PNP: Cell sites may signal sa INC event

TINIYAK ngayon ng Philippine National Policxe na walang pagharang sa signal ng mga cellsite ngayong araw.

Kaugnay ito ng isasagawang Grand Evangelical Mission (GEM) ngayon ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., tagapagsalita ng PNP, wala silang natatanggap na banta sa seguridad ng nasabing pagtitipon ng may dalawa hanggang tatlong milyong kaanib.

Magugunita na nitong nakalipas na buwan ay halos mawalan ng komunikasyon ang milyung-milyong Pilipino sa Maynila dahil sa banta ng terorismo sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno ng Quiapo.

Nakararanas ngayon ang buong Metro Manila ng pakawala ng signal ng cellphone maging ang istasyon ng radyo isa rito ang radion station DZBB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply