PNP kasado na sa grand rally ng INC bukas

SA pangambang maparalisa ang transportasyon sa ilang lugar bukas sa mga papasok at palabas ng Maynila dahil sa ilulunsad na evangelical mission ng Iglesia ni Cristo ay ngayon pa lamang ay ikinasa na ng Philippine National Police ang kanilang hanay.

Handa na ang security preparation ng PNP, partikular ng MPD operatives para sa nakatakdang grand rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Rizal Park sa Luneta.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr., nasa 500 PNP personnel ang kanilang ikakalat sa paligid ng Quirino Grandstand para sa seguridad ng paligid bilang ayuda sa puwersang inutos ni Manila Mayor Alfredo S Lim na italaga ng MPD.

Kaugnay pa nito, inalerto ni Lim ang anim na public hospital na pinapatakbo ng pamahalaang lungsod na maging handa sa anomang mga kaganapan kaugnay sa inaasahang pagdalo ng napakaraming miyembro ng nasabing sekta.

Dalawangpung truck ng basura rin ang ipinakalat ni Col. Caloy Baltazar Director ng Manila Department of Public Service para sa tone-toneladang basura na tiyak na

maiiwan matapos ang prayer rally ng INC.

Samantala, naglabas naman ang Manila Police District (MPD) Traffic Sector ng kanilang re-routing bilang paghahanda sa evangelical mission.

Ngayon pa lamang ay inaabisuhan na ng pulisya ang mga motorist na sarado na simula alas-12 ng tanghali ngayong araw ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive at Independence Road.

Ang lahat ng motorista ay pinapayuhan na dumaan sa mga alternate route tulad Pres. Quirino patungong Nagtahan at Taft Avenue Patungo sa Jones, McArthur at Quezon bridge.

Ang mga makikilahok ay maaaring bumaba sa south bound ng Roxas  Blvd. sa harap ng estatwa ng kalabaw.

Itinalaga namang parking areas sa mga VIP ang North wing Quirino Grandstand (harap ng PCP) at South Drive mula Roxas Blvd. hanggang  Independence Rd. sa mga may car pass.

Ang mga bus naman ay maaaring pumarada sa kahabaan ng  north at south bound ng Roxas Boulevard mula P. Burgos hanggang P. Ocampo at south at north bound lane mula 25th St hanggang sa Anda circle subalit isang lane lamang; PICC Complex at Paco Park

Para naman sa light vehicles , maaaring pumarada  sa isang lane ng  east at west bound ng TM Kalaw malapit sa  sidewalk mula Roxas Boulevard hanggang Ma. Orosa; Roxas Boulevard service road mula TM Kalaw  hanggang P. Ocampo; Eastbound ng P. Burgos mula Roxas Boulevard hanggang Ma. Orosa; Northbound lane ng Bonifacio Drive sidewalk mula  25th St. hanggang Anda Circle samantalang Bonifacio Drive Service Road naman sa mga motorsiklo

Samantala, inihayag naman ni AFP Spokesman Col Arnulfo Burgos na nakahanda silang magtalaga ng 2,000 standby force para ayudahan ang PNP-NCRPO kung kakailanganin.

Nauna nang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Col. Arnulfo Burgos na hindi pipigilan ng sandatahang lakas ang mga sundalong gustong sumali para sa nasabing pagtitipon.

Aniya, mahalaga ang pagsali ng mga kasamahang sundalo lalo na at isang pag-aaral ng salita ng Diyos ang gagawin ng grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply