Police SPD aksidenteng nabaril ang sarili

NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang Muntinlupa police kung aksidente o may foul play sa pagkamatay ng isang kagawad ng Southern Police District (SPD) na aksidenteng nabaril ang sarili kahapon sa loob ng kanilang tirahan sa Muntinlupa City.

Unang iniulat ng Muntinlupa police na aksidente ang nangyaring pagkamatay ni SPO2 Virgilio Dolleton, 40, nakatalaga sa SPD matapos huli siyang nakita ng kanyang asawa na naglilinis ng kanyang kalibre .9mm service firearm sa loob ng kanilang bahay sa Lakeside Subdivision dakong alas-2 ng hapon.

Gayunman, nang isugod ng kanyang pamilya si Dolleton sa Medical Center Muntinlupa at muling inilipat sa Ospital ng Muntinlupa, natuklasan na sa kaliwang sentido ang tama ng bala ng biktima.

Namatay si Dolleton alas-12:15 ng madaling-araw kahapon sa pinaglipatang pagamutan.

Sinabi ni Chief Insp. Giovanni Martinez, hepe ng Intelligence Division ng Muntinlupa police na maaga pa upang magbigay sila ng pahayag kaugnay sa pagkamatay ng biktima dahil isasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply