Prangkisa ng 170 bus ng Mayamy kinansela

KINANSELA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng 170 bus unit ng Mayamy Transport Corporation.

Ayon kay LTFRB Board member Atty. Manuel Iway, ito ay dahil sa pagkakasangkot sa aksidente ng isang unit nito sa Road 2, Brgy Minuyan, San Jose Del Monte, Bulacan noong October 17, 2011.

Nabatid na sakay noon ng motorsiklo ang asawa at dalawang anak ni Raquel Dayrit Manansala nang salpukin ng Mayamy bus.

Hindi pa nakuntento ang drayber at inatrasan nito ang mag-aama dahilan para mamatay ang isang bata.

Dahil dito, agad dumulog sa LTFRB si Manansala para humingi ng tulong.

Sa tatlong beses na itinakdang hearing ng LTFRB, bigo ang kampo ng Mayamy transport na dumalo sa hearing kung kaya nagdesisyon na ang ahensiya na tuluyang kanselahin ang prangkisa nito.

Sinabi pa ni Iway na magiging epektibo ang suspension order oras na maisilbi sa tanggapan ni Teresita Gutierrez, may ari ng Mayamy transport sa number 250, N. Diamond subdivision, San Jose del Monte, Bulacan.

Ang mga bus ng Mayamy transport ay may ruta sa Grotto, Naia, Fairview , Sapang Palay, Malinta at Norzagaray, Bulacan.

Paliwanag ni Iway, maaari namang maghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Gutierrez sa loob ng labing limang araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply