Preso tinodas ng kakosa sa loob ng selda

TODAS ang isang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang makaraang paghahatawin ng dos por dos sa ulo ng kanyang kakosa matapos magtalo sa loob ng kanilang selda sa Quezon City Jail kagabi, Pebrero 15.

Idineklarang patay ang biktimang si Edgardo Liwag, 35, ng Sigue Sigue Sputnik gang (SSS) bunga ng mga sugat sa ulo.

Agad naman sumuko ang suspek na si Reggie Reyes, miyembro rin ng Sputnik gang.

Sa isinumiteng ulat ni QC jail Warden Supt. John Vela, naganap ang insidente sa selda ng Sputnik gang sa QC jail, 10:00 kagabi.

Nabatid sa ulat na nagalit ang suspek dahil sa palaging pagpaparinig ng biktima sa kalabang grupo nila na Bahala na Gang (BnG) at tila naghahamon ng riot.

Dahil dito, nauwi sa pagtatalo ang sagutan ng dalawa hanggang sa kumuha ng patalim ang biktima at tinangkang sasaksakin sana ang suspek na maagap namang nakakuha ng kaputol na dos por dos na kahoy at pinagpapalo niya sa ulo ang biktima na siya nitong ikinamatay.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng warden na hindi riot ang nangyari kundi isang simpleng away lamang ng isang magkakosa sa loob ng sarili nilang selda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply