Pressured na mapa-hit ang pelikula

NAKALUSOT ang “Unofficially Yours” ng Star Cinema sa choice Valentine’s date opening sa Feb. 15 dahil nga for the first time in years ay hindi nakagawa ng isang Valentine movie ang GMA Films. Dito rin masusubukan ang lakas ng tandem nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa big screen pagkatapos ng two seasons ng highly rated na “Imortal.”

Controversial ang tema ng pelikula dahil it tackles the issue about casual sex. At dahil dito kung bakit may hot lovescenes sina JL at Angel sa movie kung saan magpapakita sila ng skin. Yes, this is John Lloyd’s sexiest movie yet!

Pressure rin kay Lloydie na kumita ito nang husto sa takilya dahil nga dalawang beses na siyang nahirang na box-office king. And last year na-eclipse siya nina Derek Ramsey at Vice Ganda kasi hindi siya nakagawa ng movie nitong nakaraang taon.

As far as his personal life is concerned, aminado siyang nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao at official ang kanilang relationship status ngayon.

***

KAY Marian Rivera pa rin ang bagsak ni Dingdong Dantes sa bagong primetime teleserye ng GMA na “My Beloved.” Originally si Heart Evangelista dapat ang magiging latest na leading lady ng aktor sa kanyang bagong teleserye, kaso dahil sa naging away ni Heart kay Marian sa set ng Temptation Island ay nag-backout na ang girlfriend ni Daniel Matsunaga.

Next na ipinalit ay si Rhian Ramos at nakapag-shoot na nga ang aktres ng ilang eksena pero nag-backout rin ito sa naturang teleserye na “Sundo” pa ang title that time dahil lumabas ang abortion at landian video with Mo Twister kaya nagdesisyun itong mag-leave of absence muna sa showbiz.

For a while ay ang pangalan naman ni Carla Abellana ang lumitaw na magiging kapalit. But eventually nagdesisyon na ang GMA na si Marian na ang gawin niyang leading lady since tapos na rin ang “Amaya” ng aktres at wala pa silang maibigay na bagong proyekto rito.

So nagbubunyi ngayon ang Dongyan fans kasi for the 5th time ay magkasama na naman ang kanilang fave loveteam sa isang primetime series.

***

TINANGHAL ang dalawang malaking event ng Bench nitong nakaraang lingo. Una na dito ang tie-up ng Bench sa Coca Cola which is celebrating its 100 year anniversary. Rumampa ang Happiness Amabassadors na sina Enchong Dee, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Joseph Marco sa launch ng Coca-Cola Originals by Bench sa Trinoma.

Pangalawa ang bonggang launch ng Empower Deo-Cologne ni Dingdong Dantes sa MOA kung saan rumampa ang hunk actor ng naka-shirtless! Super tilian at kilig ng fans sa napakagandang pangangatawan ni Dingdong ngayon. Mabibili ang Empower deo-cologne sa napakamurang halaga na P128 only!

***

NAGLABAS na ng bagong TV rating ang MTRCB sa pamumuno ni Ms. Mary Grace Poe-Llamanzares na Strong Parental Guidance (SPG) para sa mga programang na naglalaman ng mas seryosong topic or theme na hindi advisable na panoorin ng mga bata tulad ng sex, violence, drugs, horror at explicit language. Ito ay para sa proteksyon ng mga bata natin sa panonood ng TV.

Required ang lahat ng shows na may SPG rating na i-superimposed ang SPG logo sa bottom right corner ng TV screen during the duration of the entire show. May kaukulang parusa ang mga networks na hindi susunod sa bagong batas na ito.

***

DAHIL love month ngayong February, may special Valentine’s Day presentation ang Bubble Gang this week. Special guest ang wife ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez kasama sina Aljur Abrenica at Ynah Asistio. Kasama sila sa Walang Anniversary Gift gags at Boracay Rhum (office) commercial spoof. Gagawa ng Valentine card si Cheche para sa kanyang dad at maaaresto si Mr. Cupid sa Cardiac Arrest. May monologue ang latest member ng Bubble na si Mikey Bustos sa Mikey’s Tutorial. Siyempre usung-uso ngayong Valentine’s Day ang mga matitinik na Pick-Up Lines!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply