Presyo ng LPG sisirit hanggang P930 kada tangke

PAPALO ng mula P788  hanggang P930 kada tangke ang presyo ng regular na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) simula mamayang madaling-araw at bukas, Huwebes.

Kung mahigit P6 kada kilo ang itinaas ng presyo ng LPG nitong Pebrero, sisirit naman sa P7 kada kilo pa ang contract price nito sa international market.

Nauna nang nagparamdam ang Liquigaz sa Department of Energy (DOE) na magtataas sila ng P6 kada kilo o P66 kada 11-kilogram simula bukas.

Samantala, magtataas ng P7 kada kilo simula mamayang madaling-araw ang Shellane. Ibig sabihin, mula sa P711 hanggang P853 na tangke ng LPG sa kasalukuyan ay tataas ito ng P788 hanggang P930 kada tangke.

Itinuturong dahilan ng muling pagtataas ng presyo ng LPG ang lomobong demand ng imbentaryo ng LPG sa buong mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply