Presyo ng mga construction supply sa CDO sumirit na

NAGSIMULA nang tumaas ang presyo ng construction supplies na pangunahing gamit sa konstruksyon ng mga nawasak na bahay at establisimiyento sa Cagayan de Oro

Ang pagsirit sa presyo ng construction supplies ay naobserbahan ni Konsehal Prexey Elipe, ang Chairman sa Committee on Energy sa konseho.

Ayon kay Konsehal Elipe, halos lahat ng hardeware store sa lungsod ang nagpatupad ng price increase sa semento, ng P15 kada sako.

Sa monitoring na ginawa, may mga tindahan sa siyudad ang nagpataas na ng presyo ng mga construction supplies mula P5 hanggang P10.

Sinabi ni Konsehal Elipe na kung kailan panahon na maraming indibidwal ang nagsisimula pa lamang tumayo ng bahay sa siyudad dahil sa dumaang kalamidad, mas mabuti pa na bumili ng semento sa Cebu kaysa sa Cagayan de Oro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply