Presyo ng petrolyo muling tumaas

MULING tumaas ng 50 sentimos ang halaga ng produktong petrolyo ng dalawang kumpanya ng langis sa bansa para humabol ngayong buwan.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling-araw ay nagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Eastern  Petroleum ng 50 sentimos  gayundin ang Phoenix Petroleum na naging epektibo ang pagtataas bandang alas-6 :00 ng umaga.

Kapwa ikinatwiran ng dalawang kumpanya ang pagtaas aniya ng halaga ng krudo sa world market.

Kasunod nito, nagbanta ang mga militanteng transport group na magsasagawa sila ng mga noise barrage sa  Metro Manila para iprotesta ang panibagong oil price hike.

“Aligaga ang tsuper natin kasi parang walang katapusan ang problema. Hindi maisip ng tsuper at pamilya nila paano pagkasyahin ang kita na inuuwi ng tsuper sa pamilya,” ayon kay Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor secretary general George San Mateo .

Dagdag pa ni San Mateo na plano nilang maglunsad ng mga noise barrage sa Pasay Rotonda at Sta. Mesa sa  Manila.

Tiniyak pa rin ng grupo na tuloy ang malawakang kilos protesta nila sa darating na March 15.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply