Presyo ng petrolyo sisirit pa

NAKATAKDA na namang sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang pagtataas ng presyo ng langis dahil na rin sa hindi mapigil na pagtataas din ng presyo nito sa international market.

Lumalabas na tumaas ng hanggang P0.95 ang kada litro ng gasolina at P0.32 naman sa diesel mula Lunes hanggang Huwebes sa internal market.

Bukod pa ang P0.25 na dagdag-presyo sa petrolyo dahil naman sa paghina ng piso kontra dolyar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply