Presyo ng petrolyo tumaas na naman

MULI na namang itinaas ng ilang kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon sa report, dakong alas-6:00 ng umaga kanina, itinaas ng Pilipinas Shell, Chevron at Total sa P1.15 kada litro ang presyo ng premium at unleaded gasoline.

Nagtaas din ng presyo ang Shell sa P1.35 kada litro ng regular gasoline; 55 sentimos kada litro sa kerosene at 50 sentimos sa kada litro naman ng diesel.

Hindi rin nagpatalo ang Chevron, Petron at Total na nagtaas ng presyo sa P1.30 kada litro sa regular gasoline at 50 sentimos kada litro ng diesel at kerosene, gayundin ang Eastern Petroleum na nagdagdag ng P1 kada litro at 50 sentimos kada litro ng diesel.

Samantala, nagpaplano na namang hingin ng mga bus at jeepney driver na muling isulong ang P10 minimum fare.

Anila, walang patumangga ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo at hindi na nila kaya ito.

Wala pang kumento ang Land Transportation Office hinggil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply