Presyo ng tinapay ibababa

SA kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo, napipinto namang bumaba ang presyo ng tinapay matapos bumagsak ang presyo ng trigo na ginagawang harina sa pandaigdigang pamilihan.

Batay sa inilabas na ulat ng tanggapan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo, bumaba ng mula P30 hanggang P40 ang kada sako ng harina makaraan ang isinagawang pagpupulong ng National Price Monitoring Council.

Katumbas ito ng pagtatapyas ng piso sa kada isang loaf bread o tasty at P0.50 sentimos namang diskuwento  sa isang supot ng pandesal na may lamang 10-piraso.

Sinabi naman ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na aatasan nila ang mga panaderya ng magsumite na ng report sa kanilang tanggapan kung hindi sila magbababa ng presyo ng kanilang produkto.

Naniniwala si Maglaya na kinakailangang maramdaman ng consumers ang pagbaba ng presyo ng tinapay upang maibsan kahit papaano ang paglaki ng gastos ng bawat pamilya sanhi ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pati na ang bayad sa konsumo ng kuryente.

Bukod naman sa tinapay, inaasahan na ring bababa ang presyo ng mga de-latang sardinas dahil hanggang sa katapusan na lamang ng Marso ang pagbabawal sa paghuli ng isdang tamban sa Zamboanga peninsula na ginagamit sa paggawa ng sardinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply