Presyo ng tinapay ibababa

NAKATAKDANG ibaba ang presyo ng tinapay kasunod ng rollbak sa presyo ng harina sa pandaigdingan merkado.

Ito ang iniulat ngayon ni Gregory Domingo sa isinagawang pagpupulong ngayon ng monitoring council kasabay ng pahayag na bumaba ng P30 hanggang P40 ang presyo ng kada sako ng harina mula sa mga miller nito.

Nangangahulugan na magkakaroon ng diskuwentong P1 sa loaf bread at 50 sentimos na bawas sa bawat sampung piraso ng pandesal.

Inihayag naman ni Trade and Industry Under Secretary Zenaida Maglaya na pinagsusumite na nila ng report ang panaderya kung hindi pa sila nagbababa ng presyo ng kanilang tinapay.

Giit ni Maglaya na dapat na nararamdaman sa community bakers ang presyo ng tinapay.

Samantala nakaumang na rin ngayon ang presyo ng delatang sardinas dahil sa pagtatapos ng fishing ban sa susunod na buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply