Pribadong burol kay Cong. Iggy hiniling

HINILING ng asawa ng namayapang si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na si Aleli Arroyo na maging pribado ang burol nito sa kanilang tahanan.

Sinabi ng abogado ni Aleli na si Atty. Lorna Kapunan na ayaw makita ng kanyang kliyente ang mistress ng kanyang yumaong asawa na si Grace Ibuna.

Matatandaang nagkaroon ng sigalot sa pagitan nila Aleli at Ibuna kung kanino mapupunta ang mga labi ng mambabatas.

Pero sa huli, mas kinatigan ng korte dito sa Pilipinas si Aleli.

Ayon sa napagkasunduan, kung sakaling darating ang labi ni Iggy, nakatakdang idiretso sa Arlington Memorial Chapel bukas ng gabi (Pebrero 29) ang mga labi ng kongresista at dadalhin sa ancestral house ng mga Arroyo sa La Vista Subdivision, Quezon City sa Huwebes hanggang sa Sabado ng gabi.

Ililipat naman ito sa conjugal house ng namayapang mambabatas at asawang si Aleli Arroyo na nasa tapat lang ng ancestral house hanggang Lunes ng umaga.

Inaasahan namang ihahatid sa Kamara ang mga labi ni Rep. Iggy sa Lunes ng hapon bago ito dalhin patungong Bacolod City hanggang Huwebes ng umaga bago ibabalik sa kanilang ancestral house sa Quezon City.

Nakatakdang dalhin sa huling hantunga ang mga labi ni Iggy sa Manila North Cemetery sa Marso 9.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply