‘Price freeze’ sa VisMin hindi pa maibaba

IPINALIWANAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa nila maaaring maipatupad ang pagpapanatili sa presyo ng mga pangunahing produkto o “price freeze” sa mga lugar sa rehiyon ng Visayas at Mindanao kahit tinamaan ang maraming lugar dito ng malakas na lindol.

Ani DTI Bureau of Trade Regulation and Consumers Protection Director Victor Dimaguiba, maaari lamang silang magpatupad ng price freeze sa mga lugar na idedeklarang nasa ilalim ng “state of calamity.”

Sa kasalukuyan, wala pang mga lugar sa Visayas na tinamaan ng malakas na lindol ang naidedeklarang nasa ilalim ng state of calamity kaya’t hindi pa rin makapagpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin ang DTI.

Gayunman,tiniyak ng DTI na babantayan nila ang mga supermarket at groserya sa mga lugar na labis na nasalanta ng lindol upang matiyak na hindi makakapagsamantala ang mga negosyante sa pamamagitan ng labis-labis na pagtataas ng halaga ng mga bilihin.

Tiniyak naman ni Dimaguiba na sa oras na magdeklara na ng state of calamity sa mga lugar na sinalanta ng malakas na lindol, sila naman ang maglalabas at magtatakda ng tamang presyo ng mga pangunahing bilihin na dapat sundin ng mga negosyante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply