Problemadong sekyu, lady guard nagpatiwakal

MAGKASUNOD na nagpakamatay ang isang security guard at isang lady guard sa magkahiwalay na lalawigan ng Bicol at Aklan dahil sa suliranin sa pamilya, sa ulat ng pulisya ngayong hapon.

Hindi na umabot ng Araw ng mga Puso ang relasyon ng isang security guard sa kanyang nobya matapos matagpuan tigmak ng dugo at butas ang ulo makaraang magbaril sa sarili sa loob ng isang  paaralan sa Naga.

Kinilala ang biktima na si Ryan Baldovia, 21, ng Parogcan, Siruma, Camarines Sur.

Ayon kay PO3 Norman Borbe, imbestigador ng PNP Naga, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang kanyang nobyang si Jocelyn Hermellosa, 41, ng San Roque, Camaligan, sa nasabing lalawigan.

Hinihinalang away sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng lalaki  dahil nag-agawan pa ang mga ito ng cellphone.

Nang makuha umano ni Baldovia ang cellphone sa nobya, agad na lamang itong nagwala sa galit at kinuha ang baril saka ipinutok sa ulo.

Sa kabilang dako , isang lady guard naman ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paglalaslas ng kanyang magkabilang pulso sa Brgy. Argao, Malay, Aklan.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Daisy Gahisan, 29, ng Domingo, Sorsogon, may asawa at isang anak ngunit kasalukuyang naninirahan sa Sitio Bulabud, Brgy. Balabag, Boracay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP, nakita ng mga residente sa lugar ang naturang biktima na wala nang buhay na may laslas ang kanyang magkabilang pulso.

Narekober sa area ng pulisya ang isang blade na maaaring ginamit ng biktima sa paglalaslas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply