Producer na naghirap, nangangahoy ng mayayamang costumers sa isang gay bar kaya na-ban.

BANNED sa isang gay bar ang ating subject na isang producer dahil sobrang galit na galit sa kanya ang may-ari ng nasambit na gay club.

Pati mga managers ng bar ay gustong sampal-sampalin at ibitin nang patiwarik ang naturang baklang kalbo na isang producer kuno.

Ang siste pa, sinusulot pala ang mga mayayamang parokyano ng gay bar at dinadala sa isang kalapit lamang na gay bar d’yan sa may Baclaran.

Para maiwasan ang gulong maaring idinulot ng baklang producer kuno, nagpasya na lamang ang mga may ari na ipa-ban ito. Napag-alaman kasi ng mga may-ari na may panibagong target at bibiktimahin na naman sana ang naturang gay produ.

Ang cheap! Sir Joven, nagtataka lamang ang mga boss sa gay bar dahil sa VIP pa nga raw ang pinamalas na treatment sa kanya. Hindi pa nga raw nila ito pinagbabayad sa kanyang mga drinks at mga kinakain para gawin sa kanila ito. Well, kilalang kilala mo siya Roldan F. Castro at Cesar Pambid, di ba, Liklik Tumalad?

At dahil diyan, may search for Mr. White Bird Superstar ngayong February 29, Wednesday ng gabi ang nasambit ng gay bar kung saan banned ngayon ang producer kunong ito.

Si Direk Lemuel Lorca ang isa sa mga direktor ng Oliver, Kung Ako Ikaw na prinodyus ni Vilma Selga at ang inyong lingkod ang syang line producer nito. Well, sana ay maka-move on agad si direk sa mga nangyari para maharap na niya ang iba pang mga proyekto ng kanyang gagawin.

Anyway, congrats Direk Lemuel at tumabo nanaman daw sa takilya ang Bola.

Hanggang ngayon apektado pa rin pala ang baguhang direktor ng pelikulang Bola dahil sa mga nangyaring pagpapatiwakal ng kangyang line producer na si Obet J. Yap. Actually malapit sa puso namin itong si Direk Lemuel Lorca na nagdirek nga ng movie na Bola na pinagbibidahan nila Arnel Ignacio at Mon Ibarra. Si Direk Lemuel kasi ang dating house director ng concept one at show na Good life ni Ms. Cory Quirino sa Studio 23 na ang ate naming si Mrs. Vilma Selga ang producer.

***

Bukod sa search na ito ng Mr. White Bird superstar rarampa rin ang mga macho papa sa entablado na walang saplot ang katawan. Para sa iba pang mga detalye, tawagan lamang at i-text itong si Mama Gretta locca sa kanyang cell no. na 09217405735.

***

SA TOTOO lang, maaga pa para husgahan kaagad itong si Vice Ganda at ang noontime show nito sa ABS-CBN na It’s Showtime. May mga nagsasalita kasi na sobrang pinapakain daw ng alikabok in terms of rating ng Eat Bulaga ang It’s Showtime, panigurado pa ng mga detractors ni Vice na rito na rin daw malalaos ang career ng jokla dahil sa hindi rin ito magtatagal sa ere.

Pero palagay naman namin, baka hindi ganon ang mangyari dahil sobrang nag- e-effort itong si Vice at iba pang mag-host ng nasabing noontime show para lalong gumanda at magtagal pa sa ere.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply