Prosec-Defense pinagbawalan nang makipagdebate

MULING uminit ang ulo ni Senator-judge Miriam Santiago sa ika-24 araw ng pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay CJ Renato Corona sa mistulang pakikipagdebate ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Senate President Juan Ponce Enrile kaugnay sa isyu ng subpoena sa court employees.

Dahil dito, hiniling ni Santiago na pagbawalan na ang mga miyembro ng prosekusyon at depensa na makipagdebate sa mga hukom ng impeachment tribunal.

Ani Santiago, hindi mapapayagan ng korte ang nasabing hakbangin lalo at may posisyon na ukol sa bagay na ito ang Impeachment Court.

“This must stop now. No counsel must engage in a colloquy with senator-judges,” wika ni Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply