Prosec kumpiyansang mai-impeach si Corona

KUMPIYANSA ang prosekusyon na mapapatalsik pa rin sa puwesto si Chief Justice Renato Corona kahit iniatras na ng panel ang nalalabi pang limang article of impeachment.

Sinabi ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. na sapat ang mga ebidensyang inihain ng prosekusyon sa impeachment court para masuportahan ang mga kasong betrayal of public trust at culpable violation of the constitution laban sa punong mahistrado.

Kasabay nito, ipinaliwanag ng kongresista na ang desisyon na tapusin na ang kaso ay hindi napag-usapan ng 11-man prosecution panel kungdi desisyon ito ng lahat ng miyembro ng Kamara na lumagda sa impeachment.

Samantala, hindi pa rin isinusuko ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang posibilidad na haharap sa impeachment court si Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno.

Aniya, igigiit niya sa prosekusyon na ilagay sa kanilang isusumiteng notice sa impeachment court ang kahilingan na mapayagan silang mabuksang muli ang Article 7 kung kailangan.

Ito ay kung pumayag aniya si Sereno na humarap sa impeachment court upang tumestigo kaugnay sa kanyang “dissenting opinion” na pumabor kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Giit pa ni Colmenares na masyadong krusyal ang nalalaman ni Sereno upang mas pabigatin ang Article 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply