Prosecution, defense binalaan sa pagsasapawan

WINARNINGAN ni Presiding officer Juan Ponce Enrile ang kampo ng prosekusyon at depensa na iwasan ang pagsasagutan sa panahon na nagpapaliwanag ang isa’t isa.

Binigyang-diin ni Enrile na papataw na nila ng parusa ang mga ito sa susunod na mangyayaring sinasapawan ng isang panig habang nagbibigay pa ng paliwanag ang isa.

Gayundin, pinaalalahanan ni Senator-judge Joker Arroyo ang prosekusyon na hindi lahat ng alegasyon at pagkakamali ay sapat upang ma-impeach ang isang impeachable official.

Ito ay makaraang aminin ni Rep. Elpidio Barganza na ang pagkakamali ni Chief Justice Renato Corona ay hindi maituturing na “high crime” kung totoo na nagkaroon ng maling detalye sa kanyang SALN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply