Prosecution tiwalang tatayo ang Article 7

TIWALA ang prosekusyon na kahit hindi humarap sa impeachment trial si Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno ay makakakuha pa rin sila ng ebidensya para mapatibay ang alegasyon sa Article 7 o paghahain ng TRO ng SC pabor kay dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

Paliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, lead prosecutor ng Article 7 na maraming ebidensyang lumabas na naimpluwensyahan ng malaki ni Chief Justice Renato Corona ang TRO kay Arroyo.

Binigyang diin ni Colmenares na sa videos na ipinalabas kanina ng ABS-CBN ay makikita ang malinaw na pahayag ni Court Administrator Midas Marquez na bago maipatupad ang TRO ay kailangang tuparin muna ng mga Arroyo ang nakapaloob na kondisyon bago mapayagang makaalis ng bansa.

Ngunit lumalabas aniya na may ilang kondisyon ang hindi natupad ng kampo ni GMA gaya na lamang ng pag-aappoint ng tao na tatanggap ng abiso mula sa korte.

Isa pa aniyang makikitang paglabag na ginawa ay ang pagsasapubliko ng TRO na kasalukuyan pa lamang binubuo at ang paulit ulit na pagbanggit ni legal counsel Atty. Ferdinand Topacio sa pangalan ni Marquez na nagpapakita na may malinaw na ugnayan ang Korte Suprema at kampo ng mga Arroyo.

Naunang inamin ni Colmenares sa mga senador na walang pakikipag-ugnayan ang prosekusyon kay Sereno kung tetestigo ito o hindi kungdi umaasa silang papayagan ng impeachment court na isubpina o maimbitihan ang associate justice na agad ibinasura ni presiding judge Juan Ponce-Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply