Prosekusyon at depensa parusahan – Pimentel

IGINIIT ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel na dapat parusahan ang prosekusyon at depensa ng impeachment court kaugnay ng kanilang naging pahayag at aksyon sa kasagsagan ng paglilitis sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Pimentel, kung isinusulong na mananagot ang prosekusyon dahil sa peke nilang dokumento na pinagbatayan ng subpoena ng impeachment court sa bank records ni Corona, dapat ding parusahan ang depensa dahil sa kanilang expose na sinuhulan ng Malakanyang ng P100 milyon ang bawat senator-judge para kontrahin ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema laban sa pag-ungkat ng dollar accounts ng mahistrado.

Binigyang diin ng senador, seryosong akusasyon ang ginawa ng depensa laban sa impeachment court dahil halos na-hostage nito ang senator-judges na paboran ang TRO ng Korte Suprema dahil kung hindi ay maaakusahan sila na tumanggap ng suhol mula sa Malakanyang.

Magugunitang sa botohan ng mga senador, nasa 13-10 ang resulta pabor sa TRO ng kataas-taasang hukuman.

Kabilang aniya sa maaaring ipapataw na parusa ay ang reprimand, suspensyon laban sa pagdalo sa korte o kaya ay babala laban sa nagkasalang partido.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply