Prosekusyon ‘di makikialam sa isyu ng P100M suhol

HINDI na makikisawsaw ang prosekusyon sa isyu na ibinulgar ng depensa na iniaalok diumano ng administrasyong Aquino ng P100 milyon kada isang senador kapalit ng pagboto na buksan ang foreign deposits ni Chief Justice Renato Corona.

Ani Marikina Rep. Miro Quimbo, ayaw na nilang gatungan pa ang isyung nabanggit at sa halip ay susunod lamang sila at igagalang ang anumang desisyon at proseso ng impeachment trial.

Sinabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara, na hindi ang prosekusyon ang nainsulto kundi ang mga senator-judge at naghihintay lamang ang prosekusyon sa anong mangyayari sa pagitan ng dalawang institusyon.

Samantala, ngayong hapon ay malalaman ang desisyon ng Senate impeachment tribunal sa TRO ng SC sa dollar accounts ni Corona sa isinasagawang caucus ngayon ng mga senador.

Inakusahan naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Corona na ginagawa lamang nito ang istilo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na kahit malagay sa balag ng alanganin at kahit magkaroon pa ng constitutional crisis.

Tinukoy ni Colmenares ang “Hello, Garci” na kinasangkutan ni Ginang Arroyo noong 2005.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply