Prosekusyon lumiham na kay Sereno

LUMIHAM na ang prosekusyon kay Associate Justice Ma. Lourdes Sereno para hilingin na dumalo sa Corona trial.

Kaninang umaga sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na kahit na siya lang ang lumagda sa sulat ay kinonsulta naman niya ang mga kasamahan sa prosekusyon.

Kahapon (Pebrero 27), maaalalang pinayuhan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang prosekusyon na sila ang dapat na mag-imbita kay Sereno na humarap sa impeachment court.

Ayaw ng impeachment court na magkaroon ng banggaan ang dalawang sangay ng pamahalaan.

Samantala, ayos lamang sa Defense panel ni Chief Justice Renato Corona ang pagharap ni Sereno upang magkaroon na ng linaw.

Gayunman, ani Atty. Tranquil Salvador, tagapagsalita ni Corona, na dapat isipin kung saan parte lamang dapat na magsalita si Sereno at kung may limitasyon dahil sa umiiral na judicial privilege.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply