Prosekusyon nagbabala kay CJ Corona

NAGBABALA ngayon ang prosekusyon laban sa plano ni Chief Justice Renato Corona na mapawalang-sala sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO) na inihain ng kanyang mga abogado sa Supreme Court.

Ang mga ganitong hakbangin ayon sa mga tagapagsalita ng prosekusyon na sina Reps. Miro Quimbo at Sonny Angara ay lantarang pagtatago ng punong mahistrado ng katotohanan.

Ang Prosecution panel ay pinagbigyan ng impeachment court na ma-subpoena ang mga dokumento at opisyal ng Philippine Savings bank at Bank of the Philippine Island na parehong pinaghihinalaang may deposito si Corona.

“We view this petition with deep alarm. Nakababahala po ‘yung kanilang mga hakbang na ginagawa. What they are actually seeking is an acquittal not by the impeachment court of the Senate but an acquittal through the issuance of a TRO by the Supreme Court. Dumudulog po sila sa sarili nilang tahanan,” paliwanag pa ni Quimbo

Hamon naman ni Angara na kung walang itinatago si Corona ay papayagan niya ang Senado na masiyasat ang kanyang bank accounts sa PSBank na umano’y may naka-depositong $700,000 o P34 milyon.

“Ano po ba ang kinatatakutan ni Chief Justice Corona? Sabi naman nila lahat deklarado po e buksan na lang po natin at tingnan na lang po natin dahil maski po kami ay hindi namin alam ang nilalaman ng bank accounts,” ayon naman kay Angara.

Kasabay nito ay nilinaw ni Angara na walang layunin ang prosekusyon na magkaroon ng blanket search sa mga bank accounts.

“Kung kayo po ay hindi impeachable official at hindi naman kayo nasasangkot po sa panunuhol o ‘yung tinatawag na bribery o sa mga activities specified in the Anti-Money Laundering Law ay wala ho kayong dapat katakutan,” ani Angara.

Pinagdududahan din ng prosekusyon na posibleng si Corona din umano ang nasa likod ng PSBank na humingi rin ng TRO sa SC kaugnay sa subpina ng bank accounts ng punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply