Prosekusyon nakatikim kay Joker

NAKATIKIM ngayon ang prosekusyon kay Senator-judge Joker Arroyo sa makailang ulit na pagsablay sa paglalahad ng testigo at ebidensiya.

Ito ay matapos na sa halip na malinawan ukol sa isyu ng utang ni Chief Justice Renato Corona sa Basa-Guidote, ay lalo pang naguluhan ang senador dahil sa hindi malinaw ang basehan ng pagkalusaw at pagkabuhay ng isang korporasyon.

Dahil dito, pinayuhan ni Arroyo ang panig ng prosekusyon na kanila munang rebisahin ang salaysay ng testigo at ang mga dokumentong kanilang ilalahad para hindi na makaaksaya pa ng oras o mapahaba pa ang paglilitis.

Mariing sinabi ni Arroyo na: “Kung ‘di kayo sure, ‘wag niyong i-present ang mga testigo.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply