Prosekusyon nanikluhod kay Sereno na tumestigo

NANIKLUHOD ngayon ang prosekusyon kay Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno na pumayag ng tumestigo sa impeachment court laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa isang press conference, inamin nina Aurora Rep. Sonny Angara at Marikina Rep. Miro Quimbo na walang direktang komunikasyon ang prosekusyon kay Sereno kaya umaapela na lamang sila sa “sense of civic duty” nito para makipagtulungan sa paglabas ng katotohanan.

Sinabi ni Angara na crucial ang testimonya ni Sereno na maituturing na “nail in the coffin” ng Article 7 ng impeachment complaint laban kay Corona.

Sa ngayon, sinabi ni Quimbo na pinag-aaralan na ng prosekusyon ang ibang hakbang para kumbinsihin ang mahistrado na magbigay ng testimonya kaugnay sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) na pumabor kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinaliwanag pa nina Quimbo at Angara na walang lalabaging batas si Sereno sakaling tumestigo ito sa impeachment court sa kabila ng ruling ng mga senador na huwag padalhan ng subpoena ang mga mahistrado.

Anila, sakaling hindi makumbinsi si Sereno na humarap sa impeachment court ay pabor ang prosekusyon na idaan sa written interrogatory ang pagkuha ng testimonya nito na anila’y isang magandang compromise dahil may pagkakataon ang prosecution at depensa na magpadala dito ng tanong.

Kasabay nito, inihayag nina Angara at Quimbo na apat pang personalidad mula sa Supreme Court ang inaasahang tetestigo kabilang ang naunang na-subpina na si Enriquita Vidal, ang clerk of court ng SC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply