Prosekusyon pinagpapaliwanag sa fake bank accounts ni Corona

PINAGPAPALIWANAG sa loob ng 24 na oras ng Impeachment tribunal ang prosekusyon kaugnay sa kung paano napunta sa mga kamay ng kongresista ang bank documents ni Chief Justice Renato Corona mula sa Philippine Savings Bank.

Kahit anong paliwanag ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. lead prosecutor kung paano nila nakuha ang dokumento ay hindi naniniwala si Presiding Judge Juan Ponce-Enrile, gayundin si Senador Jinggoy Estrada.

Ito ay matapos ibunyag ng branch manager ng PS Bank na si Annabelle Tiongson na peke o huwad ang mga dokumentong  naka-attach sa kahilingan ng prosekusyon na padalhan ng subpoena ang mga opisyal ng PS Bank at Bank of the Philippine Island.

Nauna nang ibinuking ni Senate Majortiy Leader Tito Sotto na batay sa CCTV ng Senado ay walang nakitang “small lady” na lumapit kay Nueva Ecija Rep. Reynaldo Umali sa loob ng gusali ng Senado.

Magugunitang si Umali ang mismong nagsabi sa impeachment court na isang “small lady” ang nagbigay sa kanya ng dokumento subalit hindi niya matandaan ang mukha, maging ang pangalan nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply