Prosekusyon’di na magpiprisinta ng ebidensiya sa Article 3

HINDI na magpiprisinta ang prosekusyon ng ebidensiya para sa Article 3 impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ang tuluyang pagtapos ng prosekusyon sa pagpiprisinta ng ebidensiya sa nabanggit na artikulo ay matapos na harangin kahapon (Pebrero 21) ng impeachment court ang pagtestigo ng isang opisyal ng Philippine Airlines para sa mga sinasabing “perks” na natanggap ni Corona.

Ayon kay Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, wala na silang maihaharap pang testigo para sa ibang isyung nilalaman ng ikatlong artikulo ng kanilang reklamo.

Sinabi niya, na mula sa Article 3.1 hanggang Article 3.3, tanging ang testimonya na lamang ng testigo nilang si Flight Attendants and Stewards Association of Philippines (FASAP) president Roberto Anduiza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply