Prostitusyon sa Bilibid ibinulgar

ISINIWALAT ng isang empleyado ng Bureau of Corrections (BOC) ang nagaganap na talamak na prostitusyon sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Ayon sa nasabing impormante, higit na malakli ang bayad ng may perang inmate para sa panandaliang aliw.

Ibinulgar pa ng impormante na may ibinibigay bayad din sa gwardya na nagkakahalaga ng P50, P20 naman sa Mayor at P20 sa renta ng kubol.

Aminado ang pamunuan ng NBP na nangyayari ito noong nakaraang panahon pero hindi sa panahon ng kasalukuyang direktor na si Gaudencio Pangilinan.

Nakatakda namang ipatawag ni Justice Secretary Leila De Lima ang naturang whistleblower upang alamin ang ibang detalya sa mga nagaganap na anomalya sa NBP. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply