PS Bank manager ‘bespren’ ni Cong. Tupas

IBINULGAR ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang koneksiyon ng branch manager ng Philippine Savings Bank (PSBank) kay Iloilo Rep. Niel Tupas, lead prosecutor ng Mababang Kapulungan sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Sa ika-17 araw ng paglilitis, nauna nang nagduda si Estrada na may koneksiyon si Annabelle Tiongson kay Tupas kaya nakakuha ng kopya ng bank records ang House prosecution panel na ginamit sa pagkuha ng subpoena.

Sa kanyang pagsasalita, isa isang inilitanya ni Estrada ang koneksiyon ni Tiongson kay Tupas sa pamamagitan ng pag-uungkat sa pangalan ng kanyang magulang.

Inamin ni Tiongson sa impeachment court na ama niya si Eugenio Buernaflor, tubong Iloilo, at kanyang ina si Zenaida Buenaflor, na tubong Capiz, ngunit lumaki sa Marikina City.

Inungkat pa ni Estrada na pinsan ni Tiongson ang isang Roberto “Obet” Buenaflor na tumakbong bise gobernador ng Iloilo na katambal naman ang kapatid ni Tupas na si Raul “Boboy” Tupas noong 2004 at 2010.

“Do you know that Obet became the vice governor of Iloilo in 2004, and the governor was the father of Congressman Tupas, Governor Tupas,” ayon kay  Estrada.

Dito na inamin ni Tiongson na tinulungan niya si Tupas nang tumakbo ang pinsang si Obet bilang bise gobernador noong 2004, pero hindi nitong 2010 na kapwa sila natalo.

“Do you know Raul “Boboy” Tupas,” tanong ni Estrada kay Tiongson, at tinugunan nito na: “Personally, I really don’t know him.”

Ayon kay Tiongson, huling nakita niya si Boboy noong reunion nila noong Disyembre 2010 sa Iloilo. “The last time he was in our reunion in December 2010, in Iloilo.”

Sa ganitong punto, ipinaalala ni Estrada kay Tiongson na nanumpa siyang hindi magsisinungaling dahil magagamit ang anumang sasabihin nito laban o pabor sa kanya.

“I am not lying,”  giiit ni Tiongson.

“All I mentioned to you the link of your family and the family of Congressman Tupas, obvious na obvioius na magkakakilala ang pamilya nyo kay Congressman Tupas, “ paliwanag pa ni Estrada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply