PS Bank manager ipina-subpoena na rin

MATAPOS muling tumanggi si PS Bank president Pascual Garcia na magkomento hinggil sa bank records ni Chief Justice Renato Corona sa ika-15 araw ng impeachment trial, ipinatawag na rin ng Impeachment court ang isang bank manager ng nasabing bangko.

Agad ipinag-utos ng impeachment court ang pagdalo ni branch manager Annabelle Tiongson, alas-2:00 ng hapon sa Lunes, Pebrero 13 bibit ang original at certified copy ng opening documents ni Corona.

Partikular sa mga dokumentong ipinadadala ng korte ay ang year end balances ni Corona as of December 31, 2007; December 31, 2008; December 31, 2009; at December 31, 2010.

Kahapon ay sinabi ni Garcia na mas pinili niyang sarili ang ilutang sa paglilitis dahil sa ayaw niyang ma-trauma ang kanyang branch manager kapag naisalang na sa paglilitis makaraang makitaan ng pagkatakot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply