PS Bank president muling isinalang sa witness stand

MULING isinalang sa witness stand si PS Bank President Pacual Garcia sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay CJ Renato Corona kanina sa Senado

Dito ay inamin ni Garcia na may ilang dokumento na ipinasa ang prosekusyon sa korte na katulad sa hawak nilang mga bank document.

Dahil dito, ipinadadala bukas kay Garcia ang bank log ng PS Bank upang masuri ang lagda sa nasabing mga dokumento.

Ang nasabing usapin ay lumutang nang aminin ni PSBank manager Annabelle Tiongson na peke ang mga papel na ipinasa ng prosekusyon bilang ebidensya sa mga bank account ni Corona sa kanyang pagsalang sa witness stand kamakalawa, Pebrero 13.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply