Enrile kay PS Bank pres. Garcia: ‘Magsumite ng written explanation’

BINANTAAN ni Senator-judge Franklin Drilon na iko-contempt si PS Bank president Pascual Garcia III sa hindi nito pagdadala sa dollar accounts o bank records ni Chief Justice Renato Corona na kasamang ipina-subpoena ng Senado sa pagpapatuloy ng impeachment trial kanina.

Ito ay makaraang aminin ni Garcia na hindi niya dinala ang bank accounts ni Corona sa pangamba sa criminal liability sa umiiral na foreign currency law.

Alas-12 ng tanghali bukas ang ibinigay na ultimatum ni Drilon kay Garcia kasabay ng paghirit ng written explanation mula sa PS Bank officials sa hindi nila pagdadala sa nasabing mga dokumento.

Uminit naman si Senator-judge Joker Arroyo sa pagsasabing hindi maaaring madaliin na i-contempt ang presidente ng PS Bank dahil sila ay may sinusunod din na batas maging si Senator Judge Vicente Sotto.

Pero sa huli, iniutos ni Senate President Juan Ponce Enrile kay Garcia na magsumite ng written explanation hinggil sa hindi pagdadala ng bank records ni Corona.

Pinapalutang din ni Enrile si Garcia bukas ng alas-2 ng hapon sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply