Garcia ginisa sa impeachment trial

NANUMPA na ang presidente ng PSBank-Katipunan branch, Quezon City  sa impeachment court bilang testigo sa nagaganap na impeachment trial sa Senado kasama ang sariling abogado laban kay CJ Renato Corona.

Sa pag-upo pa lamang sa witness stand ni PS Bank president Pascual Garcia III ay nagkatawanan na ang mga dumalo sa Corona trial nang batiin siya ng “good afternoon” ng isa sa mga prosecutor at sa halip na sumagot ay hiniling nitong ikonsulta muna sa kanyang abogado.

Kasama ni Garcia ang sariling abogado na si Atty. Regie Puno sa pagtungo sa Senado na pinigilan namang makibahagi sa proceedings ng impeachment tribunal.

Bilin kay Garcia na kapag may mga tanong na hirap siyang sagutin ay ipaalam muna sa senator-judges kung kakailanganin niya ang tulong ng kanyang abogado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply