PSBank manager muling isinalang sa witness stand

MULING isinalang ngayon sa witness stand ang Philippine Savings Bank (PSBank) Katipunan branch manager na si Anabel Tiongson.

Si Tiongson ay kasalukuyag tinatanong ni Senate President Juan Ponce Enrile ukol sa pagtungo ni Quezon City Rep. Jorge Banal sa kanilang tanggapan.

Hirap si Tiongson na magpaliwanag ukol sa detalye ng kanilang mga pulong matapos ang audit sa kanilang bangko dahil sa nararanasang sore throat.

Sinabi ni Tiongson na bagama’t kaya niyang ipaliwanag ang mga tinatanong ni Enrile ay hirap naman siyang magsalita dahil sa sore throat at medyo malat na boses.

Susunod namang isasalang sa witness stand ay si PSBank president Pascual Garcia, para sa mga bagay na hindi naipaliwanag ni Tiongson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply