PSBank sa Batangas nilooban ng Acetylene Gang

NILOOBAN ng kilabot na “Acetylene Gang” ang isang sangay ng Philippine Savings Bank (PSBank) sa Lipa CIty sa Batangas.

Ang pangloloob ay nadiskubre kaninang umaga.

Sinabi ni Batangas police chief Senior Superintendent Ramon Acio, na ang security guard ng bangko ang nagparating sa kanila na may hinala siyang (sekyu) may hindi magandang nangyari sa bangkong kanyang binabantayan nang makita niya na ang pintuan ay naka-locked sa loob.

Para naman makatiyak na hindi nasaktan kung sakaling mayroong potential hostages, humingi aniya ang pulisya ng permiso mula sa management ng naapektuhan na PSBank para magpaadala ng Special Weapons and Tactics teams.

Nang pasukin ng mga police teams ang naturang bangko, walang tao sa loob nito pero may nakita silang butas sa pader na malapit sa customer service area.

“Walang tao roon pero apparently may nakapasok. Ito ang minero kung tawagin, ang Acetylene Gang,” pahayag ni Acio.

Hindi pa mabatid kung nakatangay ng pera o iba pang mahahalagang bagay mula sa bangko ang grupo dahil hinihintay pa nila ang ulat ng mga empleyado na nagsasagawa pa lamang ng inventaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply