Puganteng Japanese idineport na ng BI

KINUNMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na pinatalsik ang isang puganteng Japanese na pinaghahanap sa kanyang bansa dahil sa panloloko ng mahigit na kalahating milyong yen.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David Jr. pinabalik na nila sa Japan si Ryuchi Ohira, 45, sakay ng Japan Air Lines patungong Narita,Tokyo.

Sinabi ng opisyal na ang pagpapatalsik kay Ohira ay batay sa summary deportation order na ipinalabas ng BI Board of Commissioners.

Si Ohira rin ay kabilang na sa BI blacklist at hindi na maaaring bumalik sa Pilipinas.

Sa record ng ahensiya, hiniling ng Japanese embassy sa Maynila na matunton si Ohira at madakip upang harapin ang mga kasong  fraud and falsification of sealed private document sa Kofu, Japan District Court.

Noong Hulyo 22, 2005 sa Yamanashi prefecture, Japan nakapag-withdraw si Ohira ng 500,000 yen mula sa postal savings account ng isa ring Japanese sa pamamagitan ng pamemeke ng withdrawal slip at lagda ng depositor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply