Pulis patay sa pamamaril; salarin sugatan

PATAY ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang nakabarilang lalaki  kagabi sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na report, nakilala ang napatay na pulis na si PO1 Edcel Ayon habang inoobserbahan naman ang nakapatay sa kanya sa Gat Andres Bonifacio Hospital na nakilalang si Alex Razol.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, nag-krus umano ang landas ni Ayon at suspek sa Block 1 Aplaya, Baseco Compound na sakop ng Barangay 649.

Mabilis umanong bumunot ng ‘di pa mabataid na kalibre ng baril ang suspek at pinaputokan ang pulis.

Bagama’t may tama na ng bala ng baril si Ayon ay nagawa pa nitong gantihan ng putok ang suspek dahilan upang magtamo rin ito ng tama ng bala ng baril.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente  sa posibleng motibo ng suspek sa pagbaril sa pulis.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply