Killer at rapist ng biyudang tutor arestado

NADAKIP na ng mga pulis ang pumatay, gumahasa at nagnakaw sa biyudang tutor mahigit isang linggo na ang nakararaan sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Wilson Rubio, 33, ng F. Santos st., Pasolo, nasabing lungsod.

Sa record ng pulisya, alas-6 ng umaga noong Pebrero 19, 2012 nang matagpuang tadtad ng saksak ang biktimang si Narrisa De Guia, 43, kapitbahay ng suspek.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nakita ang suspek na tumalon palabas ng bakod ng biktima bago natagpuan ang bangkay ni De Guia.

Lalong lumalakas ang hinala ng mga pulis nang maglaho sa nasabing lugar ang suspek hanggang sa malaman na nagtatago sa Pampanga.

Kagabi, Pebrero 26, 2012, dakong alas-10 ng gabi, nadakip ang suspek sa pinagtataguan nito sa San Luis, Pampanga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply