Pumatay sa forestry expert, nasukol

SA TAKOT na mapatay, sumuko sa awtoridad ang lalaking pumatay sa isang forestry specialist matapos itong masukol sa kanyang hideout sa Cagayan kagabi (Pebrero 24).

Pero sinabi ni Senior Supt. Mao Ranada Aplaska, Cagayan Police Provincial Office director, na kung hindi pa nila nasukol ang suspect na si Adorable Caligan, Jr. ay hindi ito basta-basta isusuko ang sarili at maaring manlaban para lamang makatakas.

Marahil ay natakot lang aniya si Caligan dahil napapaligiran na ang kanyang hideout kaya wala na itong nagawa kundi ang sumuko pasado alas-6:00 ng gabi sa kanyang bahay.

Sa presinto naman , sinabi ni Aplaska na hindi nila mapiga si Caligan na tubong Barangay Pata West Claveria, Cagayan kung sino ang nag-utos sa kanya o mastermind para patayin niya ang biktimang si Melanie Dirain, ang forestry specialist ng Community Environment and Natural Resources (CENRO), noong Pebrero 7 sa loob mismo ng tanggapan nito sa Sanches Mira, Cagayan.

“Parang ayaw niyang ibuko kung sino ang utak ng krimen dahil tikom ang bibiig nito kapag iyon na ang itinatanong ng aking imbestigador sa kanya, pahayag pa ni Aplaska.

Pero naniniwala si Aplaska na mapapasuka rin nila si Caligan ng impormasyon hinggil sa kung sino ang nag-utos sa kanya para ikasa ang pagpatay kay Dirain.

Matatandaang natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek matapos na ipalabas sa publiko ang video footage ng CCTV camera ng CENRO Sanches Mira na kitang kita kung paano binaril nito ang biktimang si Dirain. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply