Pumatay sa law enforcer natukoy na

NATUKOY na ng Manila Police District ang responsable sa pagkamatay ng law enforcer at ngayon ay isinailalim na ito sa manhunt operation.

Sinasabing ang sinibak na miyembro ng Caloocan Police na si PO3 Rommel Fortuno ang itinuturong bumaril at nakapatay s isang miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group noong Huwebes ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay PC/Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-HS, si Fortuno ay kinilala ng isang testigo at napag-alamang sinibak sa serbisyo dahil nasangkot sa kasong carnapping.

Nalaman na na-monitor umano ng suspek na may relasyon ang kanyang dating ka-live in na nakilala lamang sa pangalang Cindy at ang biktimang si SPO1 Rodrigo Llagas Cortez, Jr., may-asawa, miyembro ng Philippine National Police (PNP)-highway patrol group sa National Capital Region, Camp Crame, Quezon City.

Nabatid na si Cindy at ang suspek ay mayroong dalawang anak na mga binatilyo na pero matagal nang hiwalay noong maging nobyo ng una ang biktima.

Ayon kay de Ocampo, nasundan umano ni Fortuno si Cindy at si Cortez at sanhi ng matinding selos sa nakita ay nagawang barilin ng suspek ang biktima bago tuluyang tumakas.

Nabatid na nagkita umano si Cindy at ang biktima para bigyan ng pera ang una nang makita ng suspek.

Dakong alas-9:00 ng gabi noong Huwebes nang maganap ang insidente habang naglalaakd ang biktima sa Natividad Street, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa ilang saksi, isang hinihinalang babaeng look-out ng suspek ang napansin sa lugar na tumalilis sa ibang direksiyon matapos ang pamamaril saka sumakay ng isang nag-aabang na motorsiklo malapit sa Chowking fast food chain sa kanto ng Tayuman at M. Natividad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply