Punerarya nagbebenta ng bangkay sa school (2)

MALAKAS si Rodrigo Cruz alias Rody at anak nitong si Rocel na mga may-ari ng Funeraria Cruz na nasa Avenida, Sta. Cruz, Maynila sa alkalde ng Rosales, Pangasinan na si Mayor Ricardo Velo Revita.

Biruin mo namang nauutusan nila ang alkalde na tawagan ang mga opisyal ng pulisya para makapasok sa nasabing bayan ang kanilang punerarya na Funeraria Cruz at St. Rafael na bukod sa nagbebenta ng mga bangkay ay saksakan pa ng mahal sumingil.

Maaaring kaya ginagawa ng alkalde ang pagtawag sa mga opisyal ng pulis ay dahil nais niyang makatulong o puwede ring hindi nito alam  ang masamang gawain ng mag-ama.

Mayor  Revita, sir, kapag hindi  kayo bumitiw  sa mag-amang yan ay baka riyan masira ang inyong political career. Alalahanin ninyo, Mayor, malapit na ang election at isipin niyo rin sana Mayor  na ang karma ngayon ay “digital” na.

Bukod kay Mayor Revita, ay dapat ding malaman ni Mayor Lim at maging ni Mayor Herbert Bautista ng Quezon City ang iligal na gawain ng mag-amang ito upang hindi na mabiktima pa ang kanilang mga mamamayan na tiyak namang sa kanila rin lalapit sa oras ng kagipitan.

Kaya tinatawagan ko ng pansin itong si Mayor Bistek, na huwag padadala sa boladas nitong si Rocel dahil kadalasan botante mo ang biktima nitong St. Rafael.

Sinasabi ng mag-ama na bukod kay Mayor Lim ay bagyo rin daw sila sa Quezon City Hall dahil sa koneksyon nila kay Dexter na  pinsan naman ni Mayor  Bistek.

Kaya nga kahit hindi agad-agad sila mag-renew ng business permit ay okey lang dahil nga binabak-apan sila ng nasabing kamag-anak ng alkalde.

Libre lang na pagkain sa mga Chinese restaurant o kaya’y litson ang kapalit ng lakas nila kay Dexter.

Kayang-kaya nga naman iyon dahil hindi lang naman triple ang kita nila sa patay kung hindi sampung beses.

Dahil sa muling pagbubukas ng morgue ng punerarya Cruz ay ipinagyayabang na naman ng may-ari nito ang kanyang  koneksyon  kay Manila Mayor Alfedo Lim, na umano’y madalas nitong  maka-lunch sa mga kilalang kainan.

Hindi lang  kay  Mayor Lim malakas itong si mang Rody kundi maging sa ilang mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD).

Kaya naman pala super astig itong may-ari ng  punerarya Cruz dahil malakas naman pala ang kapit nito sa Manila City Hall at sa MPD.

Ganito rin halos  ang ginagawa ng kanyang anak na si  Rocel Cruz, ipinamamalita nito na kayang-kaya niyang lagyan ang mga pulis pero ang  totoo, galit na sa kanya ang mga pulis dahil sa kakulitan  at madalas na pag gamit sa pangalan ng alkalde ng Rosales, Pangasinan na si Mayor Ricardo Velo Revita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply