Punerarya nagbebenta ng bangkay sa School (3)

HETO ang Modus Operandi ng mga punerarya ng mag-amang Rody at Rocel Cruz.

Namatayan na ang pamilya, pinapatay pa nila sa presyong kanilang ibibigay.

Ang masakit, nababaon lalo ang pamilya sa dusa at sakit sa bulsa. Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nagreklamo sa mga punerarya ng mag-ama dahil sa mahal na pagsingil.

Sa katunayan ay  kung ilang  beses na ring naipalabas sa telebisyon ang reklamo laban sa mga ito. Pero ayon sa mag-ama, hindi nila papansinin ang mga reklamo dahil wala namang nangyayari at kaya nga nilang bilugin ang ulo ng mga taga-gobyerno.

Noong 2009, ay kumita si Rocel ng mahigit sa  kalahating milyong piso dahil sa pagbebenta nito ng mga bangkay sa kanilang kontak sa isang medical school sa Cebu.

At tulad ng sinabi ko na digital na ang karma ay nangyari ito kay Rocel dahil pag-uwi  niya galing ng Cebu ay agad naman itong nagkasakit at na-confine sa Metropolitan Medical Center sa Masangkay.

Pero nakabawi naman kaagad itong si Rocel dahil matapos maospital ay nagliwaliw naman sila at nagpagala-gala sa kung saan-saang lugar sa bansa, kasama ang kanyang asawa, biyenan at mga anak.

Hindi lang si Rocel ang nakaranas ng digital na karma kundi maging ang ama nitong  may-ari ng Funeraria Cruz na si Mang Rody dahil ayon sa mga tsismoso’t tsismosa sa Severino Reyes St., Sta Cruz, Manila, ilang araw pa lang umanong naibebenta ang bangkay ay may mamamatay namang kabayong pangarera si Mang Rody na halos kulang isang milyon ang presyo. Sabi tuloy sa kanila, “mabuti nga sa kanila at tinamaan sila ng karma.”

Walang kuwenta sa pamilyang Cruz kung dumampot sila ng patay na walang pamilya kahit may konting gastos dahil naibebenta naman nila ito sa iba’t ibang medical school sa Metro Manila.

Ayon sa ating mga source  kahit hanggang General Santos sa Mindanao ay nakapagpapadala ang Funeraria Cruz ng bangkay na walang pamilya.

Para po roon sa mga reklamong ipinadala sa inyong lingkod sa pamamagitan ng email at text ay ilalathala rin natin  yun sa oras na maimbestigahan ng Lily’s Files ang inyong mga reklamo.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, maaari po kayong mag-text sa 0915-5683000 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply