Puneraryang nagbebenta ng bangkay sa school

TULOY na naman ang ligaya ng Funeraria Cruz matapos tanggalin ng Manila City Hall ang closure order nito  matapos iurong ng pamilya ng nawawalang bangkay ang kanilang reklamo ngunit ang t anung ditto ay kung magkano ang naging cash-unduan para maipag patuloy nito ang  kanilang operation.

Ayon sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files ang Funerarya Cruz na nasa Avenida, Sta Cruz, Maynila na pag mamay-ari ng isang Rodrigo Cruz alias Rody, kamakailan ay ipinasara ng Manila City Hall  ang morgue ng Punerarya Cruz na morgue rin ng St. Rafael  dahil sa reklamo  ng pamilya  na patay na kanilang kinuha sa isang ospital  sa Maynila.

At dahil sam  walang kumukuhang pamilya ay  ibinenta umano ng nasabing punerarya sa Baguio ang bangkay.

Nagreklamo ang pamilya ng naibentang bangkay sa Manila City Hall kung kaya ipinasara ito ng local na pamahalaan ngunit makalipas lang ang ilang araw ay nag-ooperate na naman ang punerarya ni mang Rody.

Hindi na sana pumayag pa ang Manila City Hall Health Office na makapag-operate muli ang morgue ng puneraryang ito dahil bukod sa health hazardous ito sa mga residente ng barangay nila ay  tiyak na uulit-ulitin din ng mga ito ang kanilang gawaing pagbebenta ng bangkay dahil batid nila na nababayaran naman ang pamilya o nalulusutan naman nila ang kaso.

Dahil sa muling pagbubukas ng morgue ng punerarya Cruz ay   ipinagyayabang na naman ng may-ari nito ang kanyang  koneksyon  kay Manila Mayor Alfedo Lim, na umano’y  madalas nitong  maka-lunch sa mga kilalang kainan.

Hindi lang  kay  Mayor Lim malakas itong si mang Rody kundi maging sa ilang mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD).

Kaya naman pala super astig itong may-ari ng  punerarya Cruz dahil malakas naman pala ang kapit nito sa Manila City Hall at sa MPD.

Ganito rin halos  ang ginagawa ng kanyang anak na si  Rocel Cruz, ipinamamalita nito na kayang-kaya niyang lagyan ang mga pulis pero ang  totoo, galit na sa kanya ang mga pulis dahil sa kakulitan  at madalas na pag gamit sa pangalan ng alkalde ng Rosales, Pangasinan na si Mayor Ricardo Velo Revita.

At sinasabing hindi rin daw matutuloy na umupong DD sa SPD itong si General Regis dahil  ito ay magiging Regional Director din ng hindi pa sinasabing Region.

Bukas po ang Lily’s Files Column para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lamang po sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply