QC police official minura ng superior dahil sa huweteng

ISANG detachment commander ng Quezon City Police District ang umanoy pinagalitan ng isang mataas na opisyal ng QCPD dahl sa aniyay  ginawang pag-aresto sa isang kubrador ng huweteng sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, sinasabing pinagalitan umano ni Supt. Cris Mendoza, hepe ng QCPC Station  10,  si Police Chief Inspector Richie Claravall ng QC detachment Commander dahiil sa ginawang panghuhuli  sa isang kubrador ng huweteng .

Nauna rito, inaresto ng grupo ni Claravall ang isang Domingo Mendaro, 40, ng No#44 Molave st., Fairview, Quezon City at kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law matapos mahuli sa panulukan ng Narra at Molave sts. Fairview, QC.

Nakumpiska kay Mendaro ang may P2,000 cash at mga huweteng paraphernalia.

Ikingalit umano  sa kanya ng opisyal ay kung bakit niya hinuli si Mendaro bagay na kanyang labis na ipinagtataka.

Ikinatuwiran niya sa opisyal na kaya sila nanghuli ay bilang pagtalima lamang sa kautusan ni QC Mayor Herbert Bautista na lipulin ang operasyon ng huweteng sa kanilang nasasakupan na lalo umanong ikinairita ni Supt. Mendoza hanggang sa siya’y pinagmumura sa telepono.

Ang nakapagtataka ngayon ay pinawalan din ni Claravall ang kanilang hinuli for further verification. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply