QCPD chief Dela Vega umupo na sa pwesto

PORMAL nang isinagawa ang turnover of command ceremony sa mataas na pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal grandstand sa Sikatuna Village, Quezon City kaninang alas-9:00 ng umaga.

Hahawakan ng bagong talagang si C/Supt. Mario O Dela Vega , 1981 PMA graduate ang pamunuan ng QCPD na may 2,700 kalalakihan at kababaihang tauhan sa headquarters at sa 12 police stations nito bilang district director.

Habang ang pinalitan na si dating Director C/Supt. George Regis ay mapupunta naman sa Southern Police District bilang Director.

Si Dela Vega ay ipinanganak noong February 21, 1957 sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija isang Master of Public Administration degree holder mula sa Polytechnic University of the Philippines, at naitalaga sa Directorate for Integrated Police Operations sa  Camp Crame,.

Nagtapos ng elementarya sa QC Central School at High School naman sa  Holy Family Academy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply