Quorum sa Kamara tiniyak

ARAW-ARAW nang magsasagawa ng roll call sa sesyon ng Kamara upang matiyak na may quorum.

Ito ang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte kasunod ng reklamo ng minorya sa Kamara na simula ng pasimulan ang impeachment trial ay kapos na ang bilang ng mga kongresista na dumadalo sa sesyon.

Nag-akusa pa ang oposisyon sa Kamara na marami na umanong panukalang batas na nakabinbin sa Kamara ang hindi na nabibigyan ng pansin dahil sa pagiging abala ng mayorya sa impeachment.

“I have been asking the members to attend the session because we have a huge task to perform here as members of this institution,” ani Belmonte.

Iginiit din ni Belmonte na lahat ng mambabatas ay dapat na magsakripisyo upang mabura sa isipan ng publiko na labis na naparalisa ang Kamara dahil sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona.

Naninindigan naman si House Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na ginagawa naman ng liderato ng Kamara ang lahat ng pamamaraan upang hindi maitali ang mga mambabatas sa impeachment.

“This call is just a reminder to our colleagues to attend the session because they know very much their duties and responsibilities during session days. Maybe the trial sends some little distractions to us, but there’s no basis that we are not performing. We manage to operate very well despite the impeachment,” giit ni Gonzales.

Kabilang sa mga nakatakdang isalang sa plenaryo para sa ikatlong pagbasa ang mga panukalang Terrorist Financing Suppression Act, Hybrid Alternative Vehicle, Penalties for Election-Related Offenses, Criminal Responsibility of Minors, Anti-Cybercrime Act, Passport Act, at Valuation Reform Act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply