Rachel Weisz umalis na ng Pilipinas

UMALIS na ng bansa ang sikat na aktres na si Rachael Weisz matapos ang 40-araw na pananatili sa Manila at Palawan upang tapusin ang shooting ng pelikulang “The Bourne Legacy.”

Sakay ng Cathay Pacific flight CX 902, patungong London na ang bantog na aktres nang lumipad dakong alas-7:55 ng gabi mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Magkakaroon muna ng stopover sa Hong Kong ang aktres bago tuluyang lilipad patungong United Kingdom kung saan magkakaroon pa ng ilang eksena sa ginagawang pelikula.

Ayon naman sa ilang crew ng pelikula, labis na nabighani ang aktres sa ganda ng kapaligiran at likas na yaman ng Palawan na itinuring niyang isang paraiso.

Dito rin umano sandaling nakapiling ng aktres ang limang taong gulang niyang anak na si Henry Chance mula sa una niyang naging asawa na si Darren Aronofsky na bantog ding producer at director.

Sa kabila ng maikling pananatili ng aktres sa Pilipinas,  umukit sa puso ng mga Filipinong crew ang kagandahang asal ng ipinamalas sa kanilang ni Weisz kaya marami ang naghahangad na muli siyang makapiling sa pamamagitan ng panonood ng ginawang pelikula sa bansa.

Ang pelikulang The Bourne Legacy ay pinagbibidahan ng actor na si Jeremy Renner, Rachael Weisz at Edward Norton sa direksiyon ni Tony Gilroy.

Maraming Filipino ang naging extra sa naturang pelikula, kabilang na si Manila 6th District Councilor Lou Veloso na may mahalagang papel na ginampanan sa pelikula.

Bukod sa Pilipinas, nakatakda ring mag-shooting ng ilang eksena sa pelikula sa Gangna, M-Gu sa South Korea at sa New York City sa Estados Unidos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply