Railway ng MRT may crack

MAY crack ang isa sa mga linya na dinaraanan o railway ng Metro Rail Transit (MRT) sa kahabaan ng Edsa, ayon sa Light Railway Transit Authority.

Dahil dito, libu-libong pasahero ang naistranded dahil nagpatupad lamang ng half-line operation ang MRT kaninang umaga.

Ang mga naapektuhang biyahe ay ang nasa bahagi ng Guadalupe at Buendia stations sa Makati City.

Sinabi naman ni Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, na sa loob ng pitong taon niya sa ahensya, ito ang unang beses na nagkaroon ng bitak ang kanilang railway.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply